6 na tao na dapat mong sundan upang maging matagumpay sa Internet Marketing business (Tagalog Version)


Sa larangan ng pagiging Internet Marketer, marami kang mga bagay na dapat malaman at matutunan kung gusto mung maging matagumpay sa propesyon na ito. 

Isa na diyan ang tamang sistema ng pag market ng serbisyo o produkto mo online.Maraming mga paraan o diskarte na ginagawa ang mga Internet Marketer ngayon, para lang mapansin at kumita ng malaki online. 

Pero dahil nga sa sobrang dami ay nagiging mali ang mga paraan na ginamit nila para lang magkaresulta. 

Sa post ko ngayon, ibibigay ko ang sa tingin ko ay mga tamang tao na dapat nating sundin o tularan sa larangan ng Internet Marketing. Sila ang mga taong dumaan na sa maraming taon ng pagiging Internet Marketer, at dumaan na sila sa mga pagsubok at pagkakamali sa mga paaran ng pagkita online. 

So para hindi na natin daanan ang mga kapalpakan na nagawa na nila, sundan nalang natin ang mga kasalukuyang diskarte na itinuro at ginagawa nila sa pagiging Internet marketer.

Halos lahat na ng mga taong ito ay milyonaryo na sa pagiging Internet Marketer, Kaya dapat na hinde tayo mag alinlangan na sundan ang mga yapak nila dahil may pruweba na ang mga paraan na ginamit nila sa pagmarket online.

1. Mike Filsaime

Halos dalawang dekada na sa pagiging Internet Marketer, at napakarami nang nagawang kuntribusyon sa pagiging Internet Marketer sa buong mundo. 

Magaling si Mike Filsaime sa tinatawag na psychological marketing. Siya ang tinitingala pagdating sa Product launching. 

Kaya niyang magka sales ng $1M sa loob lang ng isang buwan sa bawat launch ng produkto niya. Tinagurian na siyang isang Guru sa larangan ng Internet Marketing.

2. Anik Singal

Isa ring napakagaling na Internet Marketer sa buong mundo. Expert siya pagdating sa paid advertising. Marami na siyang nagawang produkto at halos tagumpay lahat.

 Magaling din siya sa tinatawag na retargeting marketing, kaya niyang malaman ang behavior mo online at susundan ka ng ads niya kahit saan ka pumunta na website.

3. Vic Strezheuz

Si Vic ay hinde kasing tagal katulad nila Mike Filsaime, pero ang kakayahan ni Vic ay napaka extra ordinary pagdating sa pagmarket online. Siya ang tinaguriang Traffic King ng mga Internet Marketer. 

Kaya niyang gumawa ng isang milyong traffic sa loob lang ng isang oras. At hinde basta ordinaryong traffic lang, kundi mga targeted traffic talaga at handang bumili sa mga produkto niya. Sa bawat salihan niya na affiliate site niya ay seguradong top 1 siya sa kunting panahon lang ng pagsali niya.

4. Dave Wood

Si Dave Wood ay naging icon sa larangan ng Internet Marketing sa pagsikat ng programa na itinayo nila kasama ng kaibigan niya.

 Naging phenomenal ang tagumpay ng programa nila na halos bumenta ng halos $500M sa loob ng isang taon ng pagbulusok ng kumpanya nila online. At naging affiliate pa si Vic Strezheuz dito at naging top 1 sa loob lang ng kunting panahon. 

Magaling si Dave Wood sa larangan ng blogging. Kaya ang naging konsepto ng progra.ma niya ang ang importansiya ng pagblo-blog.

5. Ray Higdon

Maliban sa pagiging Internet Marketer ni Ray ay aktibo rin siya sa pagiging Network Marketer. Isa sa eksperto ni Ray ay ang pagiging Content Marketing expert. Marami siyang alam pagdating sa paggawa ng content materials, ma-article o video marketing  man ito. 

Maraming followers si Ray Higdon, dahil na rin sa naitatag na imahe niya bilang isang magaling na Network at Internet Marketer. Naging top distributor rin siya sa isang sikat na kumpanya ng mlm dati. At ngayun ay focus siya sa pagiging Internet Marketer.

6. Eric Holmlund

Si Erick ay hinde masyadong kilala, pero isa siya sa mga Internet Marketer ngayun na nagbibigay ng sapat na mga kaalaman na kailangan ng isang nagsisimula palang sa mundo ng Internet marketing business. 

Napakasimple lang ng kanyang website o blog na ginawa pero punong puno ito ng mga tips at techniques sa pagmamarket online. Kung ikaw ay nagsisimula palang at wala kapang alam kahit kunti sa larangan ng Internet marketing. Isa sa rekomendasyon ko ay basahin ang mga isinulat ni Eric sa blog niya.

Silang anim ay iilan lang sa mga napakaraming mga Internet Marketing expert o Gurus sa larangan ng Online Marketing. Pero para sa akin ay sila yung maasahan mo at mapagkakatiwalaan pagdating sa tamang kaalaman ng pagmamarket ng mga produkto o serbisyo mo online.

Sanay naging makabuluhan ang naibigay kung tip sa inyo tungkol sa mga taong kailangan nating sundin at tularan sa larangan ng pagiging Internet Marketer.

P.S Kung nais mong malaman ang sekreto ko kung bakit naging successful ako online, bisitahin ninyo ang link na ito at sabay nating tahakin ang tagumpay. 
   
>> Click Here << 


Edward Lindo
Crypto Rockstar
edwardlindo.com