Mga Paraan para kumita sa Internet gamit ang sarili mong blog site? (Tagalog Version)


Maraming paraan para kumita ka ng pera sa Internet gamit ang sarili mung blog. Pero bago ka muna mag-isip kung paano kumita ng pera sa pagblo-blog ay dapat may sapat na traffic na ang iyung blog. 

Ibig sabihin ay dapat marami nang tao na pumupunta at nagbabasa ng mga post ng blog mo. Dapat din ay malinis at may katuturan o aral ang mga sinusulat mo sa iyong blog.

 Depende sa hilig mo, dapat ay gusto mo at may alam kana sa mga bagay na sinusulat mo, para pag ibinahagi muna ang kaalaman mo sa iyong  blog ay marami kang taong matutulungan dahil sa isinulat mo.


Kapag sa tingin mo ay sapat na o marami nang tao ang pumupunta at nagbabasa ng blog site mo gamit ang analytics, yan ang panahon na pwede kanang mag-isip kung ano ang ilalagay mo sa blog mo para ka kumita ng pera. 

Ang mga ito ang mga sikat na paraan para ka kumita sa pag blo-blog mo.

1.  Google Adsense  

Isa sa pinakasikat na paraan kung paano ka kikita sa blog site mo ay ang paglalagay ng google adsense sa site mo. Ang google adsense ay isang pay per click program na ginawa ng google para sa mga may ari ng website o blog na gustong magkapera habang nagsusulat ng kanilang blog.

Sa bawat na tao na mag-click sa google adsense ads na inilagay sa site mo ay may porsyento ka na ibibigay ng google. So ibig sabihin ay kung maraming mag click ng ads mo ay marami rin ang pwede mung kitain dito. 

So dapat para malaki ang kitain mo sa google adsense, dapat ay may napakarami kang taga sunod ng blog mo.

2. Affiliate Sites

Marami kang pwedeng mapag pilian kung gusto mung kumita ng pera sa blog mo, pwede kang magbenta ng mga produkto gamit ang produkto ng iba.

 Ang mga affiliate site ay maganda para sa mga marketers na walang sariling produkto na pwedeng ibenta online. 

Ang maganda dito sa affiliate site ay hinde kana mapro-problema sa mga gastusin sa pag gawa ng sarili mong produkto. Bibigyan ka nalang ng porsyento ng may ari ng produkto na i mamarket mo online.

Ang mga ito ang mga ilan lang na affiliate sites na magandang  ilagay sa blog mo.  Amazon, Clickbank, Ebay, Commission Junction, at marami pang iba.

3. Donation Box

Ito ang sa tingin ko ang pinaka simple at pinaka epektibo lalo na kung hinde kapa kilala sa larangan ng blogging. Karamihan kasi sa mga bumibili sa online ay pumupunta duon sa mga kilala na at mapagkakatiwalaan na website o blog. 

Kapag ikaw ay baguhan pa pero may kaalaman kanang pwedeng iambag sa mga tao, hinde magtatagal ay mapapansin kana at magsisimula na silang pagkatiwalaan ka. 

So kapag may Donation box ka sa site mo, malaki ang tsansa na may magbibigay ng pera dahil may ibinahagi ka sa kanila na nakatulong sa kanilang problema.

Magagawa mo ang Donation box sa maraming paraan, pero ang pinakasikat na paraan ay ang paypal.me ng paypal. Dito pwede kang gumawa ng isang widget na kung saan may nakalagay na donation box.

 At kapag may nag-click ng button at nagdonate sa pamamagitan ng Paypal, dederetsu na yan sa account mo sa Paypal. Pero seguraduhin mo na may paypal account ka bago ka gumawa ng Donation box ng paypal.

Napakarami pang ibang paraan para ka kumita sa blog mo, pero itong tatlong ito ang sa tingin ko ang pinaka madali at pinakasikat sa larangan ng monetization ng blog mo.

So sanay nakaambag na naman ako ng kunting kaalaman sa inyo kung ano ang mga paraan kung paano ka pwedeng kumita sa blog site mo.

P.S. Kung nais mong malaman kung paano ang pagkita ng mas mabilis at mas malaki online, Iniimbitahan kitang bisitahin ang link na ito. 

 Click Here